Related Posts with Thumbnails

Advertisements

Wednesday, July 13, 2011

GMA, wagi pa rin sa nationwide ratings


Mula sa malakas na nationwide ratings performance nitong unang semestre ng 2011, lalong pinalaki ng GMA Network ang lamang nito sa ABS-CBN sa natio­n­wide ratings nitong partial July.

Ayon ito sa Nielsen TV Audience Measurement.

Para sa unang anim na buwan ng taon, GMA ang number one channel sa Pilipinas sa pagtatala ng 33.1 household share points, mas mataas kumpara sa 32.1 ng ABS-CBN.

Lumundag sa 34.5 ang audience share points ng Kapuso Network sa bansa laban sa 31.4 points ng ABS-CBN nitong Hulyo 1-7.

Ang lamang ay dulot ng matatag na programming lineup ng Kapuso Network sa lahat ng time blocks, lalung-lalo na sa weekday afternoon.

Para sa nasabing period, pumalo ang lamang ng GMA sa 5.3 points channel ratings para sa block na umeere mula 12:00 NN hanggang 6:00 PM.

Patuloy na inilalampaso ng Eat Bulaga ang Happy Yihee Yehey na wala pa sa kalahati ang channel ratings performance kumpara sa una.

Nasa ika-9 na pwesto ang Eat Bulaga sa listahan ng top 10 programs sa National Urban Phi­lippines at nagtala ng 22 household ratings points kumpara sa 9.8 points ng HYY.

Pati na ang strip ng afternoon dramas mula sa GMA Entertainment TV Group na kinabibilangan ng Blusang Itim, Sinner or Saint, Sisid at Playful Kiss ay paboritong liba­ngan ng mga Pilipino tuwing hapon.

Sa Urban Luzon at Mega Manila, na karampatang binubuo ang 77% at 58% ng total television households nationwide, halos sinimot ng Kapuso ang lahat ng pwesto sa lista­han ng overall top 10 programs.

Mayroong siyam na entries ang GMA sa nasabing lista­han sa dalawang nabanggit na area.

Ang big budgeted epic­serye ng GMA na Amaya na pinagbibidahan ni Ma­rian Rivera ang nanguna sa lista­han ng pinakapinapanood na programa sa parehong area.

Kasama ang Munting Heredera, Eat Bulaga, Kapuso Mo, Jessica Soho, Captain Barbell, 24 Oras, Spooky Nights Presents Nuno sa Feng Shui, Kap’s Amazing Stories at Pepito Manaloto sa listahan ng top 10 programs sa Urban Luzon at Mega Manila.

Kapansin-pansin na 24 Oras lang, ang flagship newscast ng GMA, ang tanging newscast na pasok sa listahan ng top 10 programs sa dalawang area.

***

Sa partial July, walo ang entries ang GMA sa top 15 programs sa National Urban Philippines, at 10 entries sa listahan ng top 15 programs sa Urban Luzon.

Sa parehong listahan, dominante ang mga programang primetime ng Kapuso.

Pumalo sa 36.5 household share points ang Kapuso primetime sa nasabing area kumpara sa 30.3 ng Kapamilya primetime.

Sa Mega Manila, pumaibabaw ang Kapuso primetime sa pagtatala ng 37.3 household share points laban sa 29.4 ng ABS-CBN.

Para sa unang semestre ng 2011, kumita ang GMA ng P534M, samantalang P302M lang ang kinita na ABS-CBN mula sa pangkaraniwang negosyo.

Share

0 comments:

I am PROUD to be a MANGYAN Blogger!

MyBloglog Community

Nakanaks Followers

All Rights Reserved / Lionheart 2009

Call or Text Lionheart +639273820584 for more information

  © Blogger template ProBlogger Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP